Talumpati Tungkol Sa Death Penalty

maikling talumpati tungkol sa death penalty tagalog

A ng buhay ng isang tao ang siyang pinakasagradong regalo mula sa ating dakilang lumikha. Ang ating bansa ay isa sa mga bansa sa Asya na may pinakamaraming bilang ng mga kristiyano. Dahil dito hati ang paniniwala at opinyon ng mga tao sa muling pagbabalik ng “death penalty” o ng parusang kamatayan.

Maging sa loob ng ating pamahalaan ay nagkakaroon ng pagkapaksyon-paksyon dahil sa magkakasalungat na usapin tungkol sa usaping ito. Ang death penalty ay hindi na bago sa ating mga pandinig. Dati na itong isinabatas at pinairal pero saglit lamang dahil ito rin ay pinawalan ng bisa. Ngunit sa kasalukuyang panahon ito ay muling binubuhay dahil na rin sa mga lumalalang krimen na ating hinaharap. Ang parusang kamatayan ay pinapataw sa mga karumal-dumal na uri ng kriminalidad, kabilang na rito ang pang-gagahasa, kidnapping, pagpatay, paggawa ng droga at iba pang mga krimen na napapaloob sa batas na ito. Ang bawat tao sa ating lipunan ay may kanya-kanyang saloobin at pananaw tungkol sa usaping death penalty. Wala tayong puwedeng sang-ayunan o kontrahin dahil lahat ay may sariling dahilan ayon sa mga prinsipyo na kanilang pinanghahawakan.

halimbawa ng mahabang talumpati tungkol sa death penalty


Magkasalungat man ang ating mga opinyon dapat ay magbigayan tayo ng respeto sa bawat isa. Kung gaano walang karapatan ang pamahalaan na magpataw ng parusang death penalty ganun rin ang mga kriminal, wala silang karapatan na kumitil ng buhay ng mga inosenteng indibidwal. Dapat ay pantay-pantay at walang kinikilingan ang ating batas. Mahalaga ang pagkakaroon ng sistemang pagbabago sa ating hudikatura. Lagyan natin ng pangil ang pagpapatupad ng ating mga batas. Maging alerto at mapanuri tayo at laging nating isaisip ang kapakanan ng nakararami kontra sa interes at kagustuhan ng iilan lamang. Ang batas na pantay ang nagbibigay boses sa mga taong inaapi.